Monday, October 10, 2022

Humirit Pa? De Lima humirit pa sa korte na payagan siyang mag House Arrest sa bahay niya "Para Safe"

0

Plano ng kampo ni Leila de Lima na hilingin sa korte na payagan ang dating senador na makauwi sa kanyang bahay at manatili doon pansamantala.

Ito’y matapos dukutin si De Lima ng mga kasama nitong inmate sa PNP Custodial Center nitong Oktubre 9.

“Kaming defense team ay nagre-ready na i-discuss sa kanya mamaya yung possibility lang naman ng home furlough as suggested by Senator Imee Marcos kahapon, na sinasabi niya ay in-offer daw sa amin ng DOJ at PNP. Pag-aaralan namin ito,” sabi ni Atty. Filibon Tacardon, abogado ni De Lima.

“Kung sakaling pumayag si Senator Leila de Lima ay maghahanda kami ng kaukulang mosyon para ihain ito sa hukuman at hingin ang permiso ng ating huwes para mabigyan siya ng home furlough,” dagdag pa niya.

Sa ngayon ay wala pang desisyon si De Lima kung gusto niya bang manatili muna sa kanyang tahanan.


Author Image

About Ricardo Dalisay
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment